Translate

Tuesday, May 3, 2016

sa ganang akin.......ang laban ni luis ay laban ng isang calasageño

sa kasaysayan, marami na rin ang mga calasageñong sumubok na tumakbo sa halalan sa mas mataas na antas ng serbisyo publiko. lahat sila ay naghangad na maging bahagi ng mas malawak na paglilingkod sa mga taong nasasakupan ng bayan ng san ildefonso.

halalan 2016... kung saan ang ingay at  balitaktakan ay higit pa sa kahol ng isang aso at tilaok ng mga tandang. ingay na nilikha ng kani-kaniyang opinyon, mga saloobin, pagpapahayag ng kani-kanilang mga suporta sa kani-kaniyang mga kandidato, at ang ingay na ito ay hindi lamang naririnig sa loob ng isang balangay kundi ingay na naririnig na rin sa buong mundo dahil sa kapangyarihan ng "social media".

si luis sarrondo, isang taal na taga-calasag,  ay ang unang calasageño na  naglakas loob na sungkitin ang pangalawang pinakamataas na pwesto sa herarkiya ng pamahalaang bayan ng san ildefonso. tumatakbo bilang bise-alkalde...

ano nga ba ang nag-udyok sa kanya upang siya ay tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan? ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang patuloy na pakikibaka sa isang mundong masalimuot at puno ng komplikasyon? ano na ba ang kaniyang nagawa? ano pa ang kaya niyang gawin? gaano kataimtim, gaano kasinsero, gaano kalalim, gaano ka-wagas ang kanyang kagustuhan na maglingkod at hindi ang paglingkuran? 

ilan lamang ito sa mga tanong na maaaring nasagot na at maaaring kailangan pang sagutin.ngunit isa lamang ang nanatiling totoo at tunay...si luis sarrondo ay anak ng calasag at siya ay isang calasageño.

ang pagtakbo ni luis sarrondo sa halalang ito ay isang minsanang pagkakataon na kailangang tugunan ng bawat isang calasageño. ito ay isang pagkakataon na ipamalas natin ang ating kapatiran at damayan sa bawat sinumang calasageño na nangangailangan.

at sa matatas na usapan kailangan ni luis ang bilang...bilang ng boto na tutulong sa kanya upang ipanalo ang kanyang laban.

marami ang mag-aatubili, marami ang mag-aalinlangan, dahil sa likod ng kanilang isipan ay may malaking tanong...ano ang kaya niyang ibigay at ibalik sa kanyang baranggay at sa bawat isang mamamayan nito?

ipaubaya natin kay ginoong luis sarrondo ang kanyang magiging pagtugon sa tanong na ito. kung sa awa ng diyos at sa ating pagkakaisa na siya ay papalarin sa kanyang laban, isa lang tiyak at magiging ganap....

hindi man tayo itangi at unahin sa kanyang listahan, nakatitiyak tayo na sa bawat pagtibok ng kanyang puso ay naroroon ang kaniyang hangarin na tumulong sa bawat isang calasageño na kakatok sa kanyang pintuan. dahil ang calasag ang kanyang tahanan at ang bawat mamamayan nito ay kanyang kapamilya. hindi man lahat sa kanyang pagkatao ay nagbuhat sa calasag, may kaseguruhan na bahagi ng kanyang pagkatao ay nagmula sa calasag na kanyang kinalakihan.

pagkakataon ito upang ipamalas ang ating pagkakaisa at pagtutulungan. 

isang napakalaking sampal sa ating mga mukha at habambuhay tayong susuriin ng kasaysayan at ng susunod na henerasyon kung sakaling ang isang calasageño na nagnais maglingkod sa bayan ay bigo na ipanalo ng kanyang mga kapatid sa sarili niyang tahanan.

sa darating na halalan hangarin natin na ang kulay lamang ng pagkakaisa at pagtutulungan ang manaig at papag-alabin natin ang diwa ng pamilya.

itiman ang tapat ng kanyang pangalan at laging tandaan...

Luis Sarrondo

ay unang naging Calasageño bago pa maging isang pulitiko.













Wednesday, December 24, 2014

freda marga ( ai en [ love and grace ] )

i have the most brilliant and amazing christmas gift ever in my entire life this year, my daughter, my baby freda marga. 

how to pronounce FREDA

in a time where i have settled my heart, mind and soul to be a single human being forever she came right away and change the course of my future.

freda marga, a name i have given her to pay honour and tribute to my late father alfredo and my mother melita in an indirect way. freda a similar sound to alfredo and m the first letter initial of my mother's name....thus freda marga came into being.


i would also like to pay honour and submit my utmost respect to the mother of my child, my wife, hui min. for bravely bringing freda marga into this world from her conception, pregnancy for thirty-eight weeks and till her delivery. that in her young age she managed to do a normal delivery...as the midwife always utter during the delivery " with all your might"...with all her energy she pushed and pushed until  we heard our freda marga's first cry. the very reason i wanted a chinese name for my daughter to pay tribute to her mother. AI meaning love and EN meaning grace. Ai En, fruit of our love and a grace from God.





in hindsight, most of my contemporaries already have their children that grew taller than them, can hold hands while they walk on the streets, can already tell what their children want in life...pero ako ay magsisimula pa lamang sa buhay pamilya at gawi ng may isang pamilya. i do not know where it will lead to but all i know is i know how to start, and i humbly welcome wisdom from another mother, from another father, from friends whom have already crossed the paths before me.

at her 7th year i will be 40 then and my life then has just begun...

at her 18th i will be at my golden years... and i hope that when someone marry my daughter i will still be around and walking her to the aisle.

while others ask for a baby in their lives, i was given this wonderful blessing when i have asked for it and it came in a time where i am of age, very much of age for that matter and i am ready emotionally and intellectually.

sino ang magsasabing may takdang hangganan ang pagiging isang ama o maging isang magulang. ang diyos ang nakakaalam ng hiling ng ating mga puso at ibibigay niya ito sa panahon na tayo ay higit pa sa ating kahandaan.

a child, a baby, is and will always be a blessing and i want to blessed with more......

maaring ang aking pagiging magulang ay nahuli man sa aking edad at nahuli ng simula. ano mang oras at panahon ay ang sandali upang magsimula. dinadalangin ko na ako ay gabayan ng panginoon at bigyan niya ng ibayong lakas upang magampanan ang habambuhay na responsibilidad na ito.

freda marga, i hope that the love we will shower you from now on will be the same love that you will have for us when we need it together with your mother.

you were born in the time that social media is prevalent and much utilized. it is nice to utilize it and spread the good things that is happening to us, become an inspiration and making history everyday. but remember, we will not choose a gadget, a media platform over a quality and precious time with you.

you were given to us before christmas and you are the most amazing gift to us. in time that you will come to know about this and  decipher what this is all about, we do hope that this would put a smile in your face. just always be the best that you can be. mommy and daddy loves you. merry christmas.

Friday, May 2, 2014

isang pirasong tuyo at isang bandehadong kanin

sa buhay,  ang isa sa mga pamantayan ng masaganang buhay ay kung ano ang nakahaing ulam sa iyong hapag. minsan iisang ulam na ubod ng sarap, minsan nama'y iisa na nga ay wala pang tiyak na taguri o lasang pagkakakilanlan. minsan ay may pagpipilian, minsan naman ay wala, and at times there is really nothing on the table than a table salt and a potable water from the well (tubig-poso).




it is an everyday struggle for a living individual on what and where to eat and who to eat with.. sometimes. food is a basic necessity we all know it, but it differs from different people on how they give importance and how they value food on their tables. 

today is the international day celebration of labor day, dakilang araw ng mga manggagawa, at sa mga dayuhang mangagawa iisang hangarin lamang ang patuloy na pinaiiral.... ang mabigyan ng masarap na buhay ang ating pamilya at siguraduhing may ihahaing ulam sa kani-kaniyang mga hapag.


in the far-flung rural areas in the provinces you will come to realize how hard it is to literally live everyday and to exert efforts to put  food in each tables. it is an irony that those who till the land and produce our staple food do not have even food of their own, walang isasaing na bigas, walang ulam na isasabay sa kanin, nasisiyahan na sila sa isang basong kapeng tinimpla sa pinaglumaang baso ng peanut butter at kung sakaling may bigas man wala namang ulam. it is a festive season for them if they have rice and dried fish on their tables. isang pirasong tuyo na pilit pagkakasyahing iulam sa isang bandehadong kanin, nilalasap ang bawat subo nito.

in these trying times let us remind ourselves that each and every grain of rice, each and every slice of bread or meat, each and every ounces of water we take, each and every sweets we crave for...it is a product of labor and of sweat before it reaches our pallete.

appreciate it, savour it, respect it....while stocks lasts...



Tuesday, January 28, 2014

tatlong taon at tatlong dekada

there maybe some people whom have seen me from afar and those who have seen me in a near distance that will say i am an accomplished person...and will only see what is around me materially but they really do not know the whole of me.

maaaring kilala lang nila ako sa aking pangalan, sa aking tirahan, sa kung sino ang aking mga magulang at mga kamag -anakan...ngunit hindi nila ako nakikilala ng lubusan.

yes, i am an accomplished person in my own right and in my own little ways. i have had a share of failures and triumphs for the past 33 years, and in those years i have invested on things that will define me as person.

i have invested on material things but at the same time i have invested on things that is more relevant, more important and more essential. nagpundar ako ng pagmamahal; pagmamahal sa aking magulang, pagmamahal sa mga kaibigan at lalo at higit.. pagmamahal sa diyos.

i have invested on camaraderie. pakikipagkapwa, pakikipamuhay, pakikipamayan... sa mga taong aking nakakasalamuha sa araw-araw. i have always adhere to the value of camaraderie, no man is an island...walang sinuman ang nabubuhay para sa sarili lamang....

sadyang napakayaman ng aking tatlong taon at tatlong dekada sa mundong ibabaw. i am healthy and wished that will always be. i  have the right frame of mind in any situation or instance that i maybe, i am happy and there is so much happiness in  me, that i am able  share my happiness to those who need it and it comes naturally. i am sincere, in the same way that people around me is in their sincerest.

i may have a different personality that others see and others feel, but that difference sets me apart to any person that you have known in your lifetime.
                                                                                                                                                                       i am not a saint, i am a sinner at times, but i am a sinner who ask for forgiveness and repents.
hindi magkamayaw ang mga salita na naglalaro sa aking isip upang buuin ang kaisipan ng pasasalamat sa lahat ng nakalala sa aking espesyal na araw na ito. sino ako upang pag ukulan ng sandali, ng minuto, ng segundo upang iparating sa akin na ako ay mahalaga at minamahal.






at mula sa awiting "your heart today" i would like to end with this message



and when i've done, all that i could
yet there are hearts, i cannot move
lord give me hope
that i may be your heart today


marami pong salamat.



Monday, December 23, 2013

Simbang Gabi Sa Gawing Singapore 2013

As we were getting ready for the mass, awaiting for the mass processional to start, I took notice of what is happening outside before the mass to take place.

Sa labas may mga humahangos , mabibilis ang kanilang mga hakbang, nagmamadali at baka hindi nila maumpisahan ang misa sa gabing iyon, may mga busy rin sa pagkuha ng litrato gamit ang kani-kanilang mga cellphones. They are either taking "selfies" and "checking in" statuses on their respective social network sites. There are those patiently waiting for their wives, husbands, friends whom they have arranged a meet up and attend the holy mass together. there are those friends and acquaintances which after a year or so have seen each other after a long time, some seeing their "inaanaks" after so many years and were so surprised that they godchildren have grown up so fast.

inside the church were also filipino scenes. families who prays together occupying the parallel of seats, saving a seat and "saved"seats were also evident, a very filipino mark indeed. kapansin-pansin din ang gayak ng bawat mananampalataya, gabi-gabing pagsisimba ay naka "pang-gataan" ang gayak. looking good in the eyes of GOD.

a filipino mass for one day is a tough feat what more a filipino mass for 9 days...its very tiring and laborious in all its aspects. luckily, we have those people who have selflessly devoted their time and effort to mount this holy event.

brother rizaldy zapiera, the man.....the guy....the frontrunner of this wonderful undertaking. who would not know "brother zap" a very active catholic and and his own ways serving the filipino community here in singapore. it takes a real heart, commitment, dedication to do all the things he have been doing for the past years.  it is interesting to note that he is surrounded by people who have the same passion as his, to lead a flock and to serve the flock. his wife and kids could be his most accessible and strongest support, beside him, around him, not even getting off his side and it is very obvious how they take care care of each other and love each other. the flock of service team that actively shared their time should not also be taken for granted.

five years ago i met brother bobby, the lectors and commentators coordinator, i asked him if i can join the organisation, and without a second thought he gave me the chance. i took a leave from service and after 3 years i get in touched with him again to ask if  i can rejoin the organisation and activate my service as a lector and commentator member and he said yes. thank you brother bobby for the opportunity and for believing in what i am capable of.

tita belen, whose motherly concern have given me to regain my confidence and have guided me all the way, meeting sister carol, sister mona and brother mark have also been a blessing being with the same organisation as mine.






Father Hans Magdurulang
from Wild Card to Ace Card

simbang gabi as always, have been the means of preparing the parishioners and catholics around the world to reflect before the coming of christ. we are fortunate that we have been gifted with a wonderful priest that would prepare all us filipinos here in singapore in this christmas season. ang kanyang mga homilya gabi-gabi ay kaabang-abang at hindi dapat palampasin. ginagawa nyang simple at kasiya-siya ang mga salita ng diyos,  i would like to call it "homily of humor"
in his modernistic and true to life approach on every homily makes it more appealing and catchy. tumatagos sa isip at puso ng bawat mananampalataya. mga aral na hindi lamang pumasok sa kanang tainga at lumabas sa kaliwang tainga ngunit naiiwan sa kaibuturan ng iyong pagkatao. all the good words may have all been said to father hans, ngunit hindi kayang ilarawan, ni sabihin sa pamamagitan ng mga salita ang pagbibigay nya ng galak sa puso ng bawat mananampalataya na nakatuklas at nakatunghay sa kanyang husay at galing. kudos father hans for your sincere efforts of faith, hope and love for all of us.


tunay ngang buhay na buhay ang diwa ng pasko sa singapore para sa mga filipino. kahit paano ay naibsan ang lungkot na nadarama. malayo sa magulang, malayo sa mga anak, sa mga kapatid at sa mga mahal sa buhay.

 LET US ALL GIVE THANKS FOR ALL THE BLESSING AROUND US, mga bagay man itong nakikita, nahahawakan o mga bagay man na nararamdaman. magpasalamat...

true enough simbang gabi  sa gawing singapore 2013 was mounted successfully, and we look forward next year for another memorable time, to showcase our filipino spirit, of friendship and of unique camaraderie.






Sunday, March 10, 2013

never give up!


 as contributed by wilson kaizer dejaro aboboto.

Never give up! "Common words that we always hear in our daily lives..sometimes we ignore this with lacking of patience and by different circumstances. for Some it was just an ordinary words or " PALASAK" in tagalog language. for me it was a test of how long can you endure or hold on..


I want to share a story about Never giving Up, it  happens to me just recently as i came back from my Vacation.,


One fine Evening i just got out from work, dropped by to a bank to send Allowance to my wife. it was past 7:00pm,and the Bank hour here in KSA is started from 8:30am to 8:00pm. I came at about 7:35pm because i go back to our villa for my bank ID. narrowly missed to get inside before they close the door. The bank is temporarily closed for "Sala" a Muslims prayer time usually takes 15 to 20 minutes. the people who are inside by the start, remain for the duration of the prayer. and those who are outside stay and form a line while waiting for the door to be reopen. we form a line, in front of me is a Pakistani who also narrowly misses to get inside.as we wait, bunch of other people still coming, as far as i know there are only three major Remittance bank here, The ENJAZ BANK(western union), THE AL RAJHI BANK(RCBC/cebuana/m lhulhier etc.) and THE ARAB NATIONAL BANK tied up with our local banks in the Phillipines, (BDO,METROBANK,BPI,CHINABANK and the PNB), where i usually send my remittances.,minutes gone by, about 50 persons are waiting outside.I checked my watch, its 7:45 pm, still no sign of opening the door, i wait anxiously,asking to myself where it will be open or not.. "INIP" should i say, because there are no other Filipino near to have some conversation while waiting.


I checked the line and i saw only 1, but he is standing last of the line. At about 7:50 pm i decided to quit, thinking that no stablishment will resume their businesses 5 to 10 minutes before closing. as i walk away people stare at me but still they aren't moving. as i get near the roadside, i take a glance to see if they will follow, but to my surprise at 7:55 pm i saw the door blinds slowly rolling up, and the guard started to unlock the door. as i standing there, i'm thinking of what to do, imagine if those people waiting outside are all filipinos,  they will be laughing at me just like you or even me. i'll be humiliated. if i come back in the line it will not be on my previous stand which is 2nd behind the Pakistani guy, but i will end up in the last crazy isnt it? before this, there are enough people inside to facilitate their remittances so i'm thinking maybe half of waiting outside will be allowed to get in because of the limited time, by second thought, i decided to go back and as i expected, im at the last. i tried to cheat hoping i will be landed at the 20th or 30th, the safest number to get inside, i tried it "wala lang tomguts na", just because as soon as the door is open, people are cramming to get to the door. but the Saudi guard seen and yelled to me in english, "Go Back to your line! i laugh "napahiya sa sarili"and "at kung makakalusot lang". you maybe laughing at me, but the story doesn't end up there.


Surprisingly, we all manage to get inside,but still it was a long line with a rope, a defense against to those who wants to cheat all the way to the tellers window. tired and hungry.. i can't help but wait. imagining that if i did not get out or did not "GIVE UP" and stay at the line till the banking hour is over, i will be home by that time, having my dinner while being online.time is precious when you're working away from home..back at the bank, there are 2 teller booth at the lobby, and 4 other inside catering to a huge numbers of remitters specially on paydays.
since it was closing time, only 1 teller is open, others are just finishing their things.suddenly the Saudi guard yelled again but by this time in Arabic, we all look at him but we never understand what he is saying,, only one person understand the Pakistani because they speak the same languge, the rest of us are INDIANS, BANGLADESHI, NEPALESE and of course PINOYS. " the pakistani said in shallow arabic," yalla, phi thani juwa", means another window opened inside,others can't hurry up to get there because of the rope, so because i'm at the last of the line, eherrrrm, i end up again second on the tellers window behind another person but this time it was a filipino, we smiled and  as my turn is up, we saw other people coming from the the lobby,we learned that the window we first lined in is closed."Bingo!" and i saw the pakistani guy (gloomy face) which from the start is always first in the line, end up being last... Lesson?, if you give up once, never ever in the second or not at all..(Mateo 20:16) "Ang mauuna ay mahuhuli, at ang mahuhuli ay mauuna"..


Good day everyone! God bless..  :))

Thursday, December 20, 2012

the "ing" generation

if you lived and grew up in a barrio it is always given that you almost know the names of your folkmates, whether you remember or just know their names and aliases.

ang mamuhay at makipamuhay sa isang baryo ay isang wagas na karanasan, it is through living with the barrio folks that you can truly grasp the essence of life. you will see and know first-hand what and how is the daily life in a baryo... saan ito nagssisimula at kung paano ito nagwawakas...

bata pa lamang ako ay nakagisnan ko na ang ibat-ibang anyo at pamamaraan kung paano maging kabahagi ng isang maliit na lipunan na iyong kinabibilangan. at a young age with a pitchy voice then, i was the youngest to become a member of the baranggay choir, it is through this that i get to mix with individuals with older age, with partners, with wives and husbands and individuals who chose to be single at the time. they have a lot of stories and different dramas to tell. at ang lahat ng mga ito ay bukas -mata at bukas-tenga kung natunghayan. when i become a member of the choir it ushered in a lot of opportunities to be active and participative in the different practices of the catholic faith. naging lector at commentator, katekista, kabataang baranggay at kung anu-ano pa.

sanga-sanga at magkakarugtong na karanasan ang naidulot sa akin ng pagiging isang aktibong katoliko.  umiikot sa baranggay sa bawat purok nito upang magkalat ng istasyon ng krus sa umaga.. darasalan at kokolektahin sa kinahapunan o kinabukasan (hudyat ng alay-kapwa, panahon ng kwaresma), nananapatan tuwing panahon ng flores de mayo at piyesta / pasasalamat sa mga bahay-bahay, na ang mga ibang kabaranggay ay buong pusong nag-aabot ng donasyong makayanan, mayroon namang dedma lang, meron din namang dinadaan sa tapang at galit-galitan. panghaharang ( with lubid and ribbons) sa tapat ng dating filpinas resort, pabingo sa baranggay at ang pinakagusto ng lahat at paborito ko rin, ang pasayaw sa baranggay at mga coronation nights ng mga natatanging dilag ng baranggay. kukuha ang organizers ng dalawampung sponsor ngunit sampu lang ang nakarating, problemado ang presidente ng samahan dahil baka hindi sumapat ang inaasahang papasok na pera sa mga gugulin sa pasayaw. di rin pala maaring hindi mabanggit ang pagkakalat ng sobre sa mga taong may sinasabi sa lipunan ( solicitations) na mas patok kung nataon sa panahon ng eleksyon.

at matapos ang lahat-lahat ng iyong pagpapagal ikaw ang tampulan ng tsismis kinabukasan, hindi raw maayos, ibinulsa ang kinita at higit sa lahat wala raw kwenta ang iyong naisipan.

all the things mentioned were part of history, tradition and culture of a baranggay and i always say to people of younger generations, all of you should experience how it is to be involved in the activities of your own small society. it teaches and enhances your social skills and little by little develop you to become a leader in a capacity that you can.

in my teenage life that i have been active in these activities, i get to meet and know people of older generations and older people of the baranggay, na sa kanilang sariling pamamaraan, paghihirap at pagtitis ay sinisigurong may maihahain sa kanilang hapag sa bawat araw at magbahagi sa iba kahit na nga para sa kanila ay kinakapos pa.

i call it the "ing and ang generation" of elders. their names and aliases always ends in those three letter suffixes and probably we have it from a to z. nana atang, nana bitang, nana erling, nana siling, nana sitang, nana itang, nana ayong, tata peping, tata seseng, nana binyang, tata onseng, tata marsing, nana hubeng, nana pinyang, tata bindong, tata berning, tata madeng, nana coring, nana huling, nana tansing, nana ileng, nana saning, nana aring, nana hiling, tata carding. these are just the few come across my mind and there  are a lot there who maybe be inside and outside the barrio.

maybe in those times this is a fad ( uso ) when giving names or aliases or whatever it is, it surely made  an impact in a rural society we once belong. their expertise and skills over the year is not to be put in questioned. nana sitang, kilala bilang isang mahusay na kusinera, ilang handaan na at okasyon ang kanyang nasaksihan, mga banyera at talyasing puno ng mga sinangkutsang ulam kasabay ng mga balisusong kanin na ibinalot sa dahon ng saging na "butuan". si nana siling, na ginugol na ang sarili sa pagdarasal ng mga bawat namayapang kaluluwa sa baranggay, marahil ilang libong beses na niyang inusal ang mga dasal para sa kapayapaan ng mga kaluluwa. "hesus ko alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis ng manalangin ka sa halamanan; kaawat patawarin ang kaluluwa ni siling...

si nana binyang na mahusay at nakilala sa kanyang binatog na mais, bitbit ang kanyang buslo ( basket ) at naglalakad habang nakapayong sa ilalim ng init ng araw upang iako ang kanyang binatog. kung espasol naman ang hanap dapat puntahan si nana erling, sa kanyang tyaga sa matagal na paghalo ng sangkap ay tiyak na hindi maiiwan ang kanyang espasol pagdating sa lasa. si tata sising na sa bawat gupit at suklay sa buhok ng kanyang parokyano ay tiyak na masisiyahan. nana neneng kikoy na sa kanyang sariling pamamaraan ay nakagagawa ng "apog" ( lime) mula sa mga talukap ng talaba, na kung sinu man ang nais gumawa ng minatamis na kundol ay tiyak na aamot ng kaunting apog kay nana  neneng kikoy.

si nana hubeng at nana iling, nagpamalas sa kahusayan sa pagtataguyod ng small-scale business. ang sari-sari store ni nana iling na may kasamang tindang ulam na sariwa at ang mga fishballs at inihaw ni nana hubeng, isama na ang paborito kong buchi-buchi na kulay orange at sa loob ay may matamis na palaman na mula sa green mongo beans. si tata bindong at tata berning at mading na mga mahusay na aluwage ng baranggay. at ang karamihan sa mga nabanggit na pangalan ay mga mahuhusay na magsasaka, pinagyayaman ang lupa at kinakalinga.

these are just few names that deifine a generation of skills and priceless talents, hindi natutunan sa paaralan ngunit natutunan sa sariling pamamaraan.

sadly, this generation is slowly withering away....unti-unti na silang nalalagas and soon they will be just part of rural history.

sa kanilang simpleng pangarap nagmula ang malalaking mga pangarap para sa pamilya ng kanilang mga supling at sa pamamagitan nito ay nag-iiba na ng kalakaran mula sa simpleng buhay ay nagiging komplikado at masalimuot.

in the future if my abilities would permit i want to pay tribute to them, isang gabi ng parangal para sa mga naging pundasyon ng ating baranggay, ang "Gawad Ulirang Nakatatanda".




but for now let me say thank you and kudos for a life well-lived and for the skills and talents shown and for bringing the barrio in a status to where it is now.