Translate

Tuesday, May 3, 2016

sa ganang akin.......ang laban ni luis ay laban ng isang calasageño

sa kasaysayan, marami na rin ang mga calasageñong sumubok na tumakbo sa halalan sa mas mataas na antas ng serbisyo publiko. lahat sila ay naghangad na maging bahagi ng mas malawak na paglilingkod sa mga taong nasasakupan ng bayan ng san ildefonso.

halalan 2016... kung saan ang ingay at  balitaktakan ay higit pa sa kahol ng isang aso at tilaok ng mga tandang. ingay na nilikha ng kani-kaniyang opinyon, mga saloobin, pagpapahayag ng kani-kanilang mga suporta sa kani-kaniyang mga kandidato, at ang ingay na ito ay hindi lamang naririnig sa loob ng isang balangay kundi ingay na naririnig na rin sa buong mundo dahil sa kapangyarihan ng "social media".

si luis sarrondo, isang taal na taga-calasag,  ay ang unang calasageño na  naglakas loob na sungkitin ang pangalawang pinakamataas na pwesto sa herarkiya ng pamahalaang bayan ng san ildefonso. tumatakbo bilang bise-alkalde...

ano nga ba ang nag-udyok sa kanya upang siya ay tumakbo sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan? ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang patuloy na pakikibaka sa isang mundong masalimuot at puno ng komplikasyon? ano na ba ang kaniyang nagawa? ano pa ang kaya niyang gawin? gaano kataimtim, gaano kasinsero, gaano kalalim, gaano ka-wagas ang kanyang kagustuhan na maglingkod at hindi ang paglingkuran? 

ilan lamang ito sa mga tanong na maaaring nasagot na at maaaring kailangan pang sagutin.ngunit isa lamang ang nanatiling totoo at tunay...si luis sarrondo ay anak ng calasag at siya ay isang calasageño.

ang pagtakbo ni luis sarrondo sa halalang ito ay isang minsanang pagkakataon na kailangang tugunan ng bawat isang calasageño. ito ay isang pagkakataon na ipamalas natin ang ating kapatiran at damayan sa bawat sinumang calasageño na nangangailangan.

at sa matatas na usapan kailangan ni luis ang bilang...bilang ng boto na tutulong sa kanya upang ipanalo ang kanyang laban.

marami ang mag-aatubili, marami ang mag-aalinlangan, dahil sa likod ng kanilang isipan ay may malaking tanong...ano ang kaya niyang ibigay at ibalik sa kanyang baranggay at sa bawat isang mamamayan nito?

ipaubaya natin kay ginoong luis sarrondo ang kanyang magiging pagtugon sa tanong na ito. kung sa awa ng diyos at sa ating pagkakaisa na siya ay papalarin sa kanyang laban, isa lang tiyak at magiging ganap....

hindi man tayo itangi at unahin sa kanyang listahan, nakatitiyak tayo na sa bawat pagtibok ng kanyang puso ay naroroon ang kaniyang hangarin na tumulong sa bawat isang calasageño na kakatok sa kanyang pintuan. dahil ang calasag ang kanyang tahanan at ang bawat mamamayan nito ay kanyang kapamilya. hindi man lahat sa kanyang pagkatao ay nagbuhat sa calasag, may kaseguruhan na bahagi ng kanyang pagkatao ay nagmula sa calasag na kanyang kinalakihan.

pagkakataon ito upang ipamalas ang ating pagkakaisa at pagtutulungan. 

isang napakalaking sampal sa ating mga mukha at habambuhay tayong susuriin ng kasaysayan at ng susunod na henerasyon kung sakaling ang isang calasageño na nagnais maglingkod sa bayan ay bigo na ipanalo ng kanyang mga kapatid sa sarili niyang tahanan.

sa darating na halalan hangarin natin na ang kulay lamang ng pagkakaisa at pagtutulungan ang manaig at papag-alabin natin ang diwa ng pamilya.

itiman ang tapat ng kanyang pangalan at laging tandaan...

Luis Sarrondo

ay unang naging Calasageño bago pa maging isang pulitiko.