of the many stories during mass homilies, this is the story i will never forget in my lifetime, "ang alamat ng butiki". the story was first told by father roman caleon, then parochial vicar of st. ildefonsus parish, san ildefonso, bulacan. and the story reads....
noong unang panahon, may magkasintahan na masasabing walang katulad. Walang kasing tamis ang kanilang pagmamahalan. Isang araw ay nagkaroon ng isang mahigpit na pagsubok ang kasintahan ng binata. Sapagkat dalisay ang pag-ibig ng binata, sinabi niya sa kasintahan na ipag-patuloy ang gagawing pagsubok.
Sa madali’t sabi, ipinag-tapat ng dalaga sa kasintahan na kailangan niya ang puso ng kanyang ina. Ito ang magpapatunay ng kanyang katapatan at nangako ang dalaga na kung magtagumpay siyang maisagawa ito, ay agad silang magpapa-kasal. Walang kibong umalis ang binata patungo sa kanilang tahanan upang tuparin ang tagubilin ng kanyang kasintahan.
Dali-daling umakyat at kanyang naratnan ang ina na nakaluhod sa harap ng altar sapagkat orasyon na noon. Nangangatal ang buong katawan na kinuha ang balaraw at sabay na itinarak sa dibdib ng ina. Agad niyang kinuha ang puso ng ina at tumakbong patungo sa kanyang kasintahan.
Ngunit sa kasawiang palad, at marahil sa parusa ng nasa itaas, ay bigla na lamang siyang nadupilas at ang puso na kanyang hawak ay nahulog sa isang bitak. Ang puso’y biglang nangusap, "Nasaktan ka ba anak? “Bakit mo ako ginanito anak? Bakit mo sinunod ang maruming mithiin ng iyong kasintahan? Dapat mong malaman na ang isang ina ang pinagkakautangan mo ng buhay ay di na makikita kailan pa man.
Lumuhod ang binata na nagsisisi. Nais niyang isauli ang puso, subalit wala nang magagawa. Ang binata ay bigla na lamang naging butiki, na gumagapang na lamang buhat noon.
Although the story was fictional, it was very effective in touching the emotions and instilling what is wanted to be said, the love for a mother. napakadakila ng pagmamahal ng isang ina sa kanyang mga anak. a mother will not look on your imperfections but on your potentials, a mother will not retaliate on your offenses but will ask if your alright. tulad ng puso ng ina na nangusap sa istorya, ang unang tanung ng ina nang madapa ang lalaki "Nasaktan ka ba anak?.. she worried not for herself but for her son.
They also say that if earthquake comes, the lizards will get down from the ceiling, bumabalik at humahalik sa lupa, humihingi ng kapatawaran sa puso ng kanyang ina.
happy mother's day to all the moms out there...
No comments:
Post a Comment