Translate

Thursday, December 20, 2012

the "ing" generation

if you lived and grew up in a barrio it is always given that you almost know the names of your folkmates, whether you remember or just know their names and aliases.

ang mamuhay at makipamuhay sa isang baryo ay isang wagas na karanasan, it is through living with the barrio folks that you can truly grasp the essence of life. you will see and know first-hand what and how is the daily life in a baryo... saan ito nagssisimula at kung paano ito nagwawakas...

bata pa lamang ako ay nakagisnan ko na ang ibat-ibang anyo at pamamaraan kung paano maging kabahagi ng isang maliit na lipunan na iyong kinabibilangan. at a young age with a pitchy voice then, i was the youngest to become a member of the baranggay choir, it is through this that i get to mix with individuals with older age, with partners, with wives and husbands and individuals who chose to be single at the time. they have a lot of stories and different dramas to tell. at ang lahat ng mga ito ay bukas -mata at bukas-tenga kung natunghayan. when i become a member of the choir it ushered in a lot of opportunities to be active and participative in the different practices of the catholic faith. naging lector at commentator, katekista, kabataang baranggay at kung anu-ano pa.

sanga-sanga at magkakarugtong na karanasan ang naidulot sa akin ng pagiging isang aktibong katoliko.  umiikot sa baranggay sa bawat purok nito upang magkalat ng istasyon ng krus sa umaga.. darasalan at kokolektahin sa kinahapunan o kinabukasan (hudyat ng alay-kapwa, panahon ng kwaresma), nananapatan tuwing panahon ng flores de mayo at piyesta / pasasalamat sa mga bahay-bahay, na ang mga ibang kabaranggay ay buong pusong nag-aabot ng donasyong makayanan, mayroon namang dedma lang, meron din namang dinadaan sa tapang at galit-galitan. panghaharang ( with lubid and ribbons) sa tapat ng dating filpinas resort, pabingo sa baranggay at ang pinakagusto ng lahat at paborito ko rin, ang pasayaw sa baranggay at mga coronation nights ng mga natatanging dilag ng baranggay. kukuha ang organizers ng dalawampung sponsor ngunit sampu lang ang nakarating, problemado ang presidente ng samahan dahil baka hindi sumapat ang inaasahang papasok na pera sa mga gugulin sa pasayaw. di rin pala maaring hindi mabanggit ang pagkakalat ng sobre sa mga taong may sinasabi sa lipunan ( solicitations) na mas patok kung nataon sa panahon ng eleksyon.

at matapos ang lahat-lahat ng iyong pagpapagal ikaw ang tampulan ng tsismis kinabukasan, hindi raw maayos, ibinulsa ang kinita at higit sa lahat wala raw kwenta ang iyong naisipan.

all the things mentioned were part of history, tradition and culture of a baranggay and i always say to people of younger generations, all of you should experience how it is to be involved in the activities of your own small society. it teaches and enhances your social skills and little by little develop you to become a leader in a capacity that you can.

in my teenage life that i have been active in these activities, i get to meet and know people of older generations and older people of the baranggay, na sa kanilang sariling pamamaraan, paghihirap at pagtitis ay sinisigurong may maihahain sa kanilang hapag sa bawat araw at magbahagi sa iba kahit na nga para sa kanila ay kinakapos pa.

i call it the "ing and ang generation" of elders. their names and aliases always ends in those three letter suffixes and probably we have it from a to z. nana atang, nana bitang, nana erling, nana siling, nana sitang, nana itang, nana ayong, tata peping, tata seseng, nana binyang, tata onseng, tata marsing, nana hubeng, nana pinyang, tata bindong, tata berning, tata madeng, nana coring, nana huling, nana tansing, nana ileng, nana saning, nana aring, nana hiling, tata carding. these are just the few come across my mind and there  are a lot there who maybe be inside and outside the barrio.

maybe in those times this is a fad ( uso ) when giving names or aliases or whatever it is, it surely made  an impact in a rural society we once belong. their expertise and skills over the year is not to be put in questioned. nana sitang, kilala bilang isang mahusay na kusinera, ilang handaan na at okasyon ang kanyang nasaksihan, mga banyera at talyasing puno ng mga sinangkutsang ulam kasabay ng mga balisusong kanin na ibinalot sa dahon ng saging na "butuan". si nana siling, na ginugol na ang sarili sa pagdarasal ng mga bawat namayapang kaluluwa sa baranggay, marahil ilang libong beses na niyang inusal ang mga dasal para sa kapayapaan ng mga kaluluwa. "hesus ko alang-alang sa masaganang dugo na iyong ipinawis ng manalangin ka sa halamanan; kaawat patawarin ang kaluluwa ni siling...

si nana binyang na mahusay at nakilala sa kanyang binatog na mais, bitbit ang kanyang buslo ( basket ) at naglalakad habang nakapayong sa ilalim ng init ng araw upang iako ang kanyang binatog. kung espasol naman ang hanap dapat puntahan si nana erling, sa kanyang tyaga sa matagal na paghalo ng sangkap ay tiyak na hindi maiiwan ang kanyang espasol pagdating sa lasa. si tata sising na sa bawat gupit at suklay sa buhok ng kanyang parokyano ay tiyak na masisiyahan. nana neneng kikoy na sa kanyang sariling pamamaraan ay nakagagawa ng "apog" ( lime) mula sa mga talukap ng talaba, na kung sinu man ang nais gumawa ng minatamis na kundol ay tiyak na aamot ng kaunting apog kay nana  neneng kikoy.

si nana hubeng at nana iling, nagpamalas sa kahusayan sa pagtataguyod ng small-scale business. ang sari-sari store ni nana iling na may kasamang tindang ulam na sariwa at ang mga fishballs at inihaw ni nana hubeng, isama na ang paborito kong buchi-buchi na kulay orange at sa loob ay may matamis na palaman na mula sa green mongo beans. si tata bindong at tata berning at mading na mga mahusay na aluwage ng baranggay. at ang karamihan sa mga nabanggit na pangalan ay mga mahuhusay na magsasaka, pinagyayaman ang lupa at kinakalinga.

these are just few names that deifine a generation of skills and priceless talents, hindi natutunan sa paaralan ngunit natutunan sa sariling pamamaraan.

sadly, this generation is slowly withering away....unti-unti na silang nalalagas and soon they will be just part of rural history.

sa kanilang simpleng pangarap nagmula ang malalaking mga pangarap para sa pamilya ng kanilang mga supling at sa pamamagitan nito ay nag-iiba na ng kalakaran mula sa simpleng buhay ay nagiging komplikado at masalimuot.

in the future if my abilities would permit i want to pay tribute to them, isang gabi ng parangal para sa mga naging pundasyon ng ating baranggay, ang "Gawad Ulirang Nakatatanda".




but for now let me say thank you and kudos for a life well-lived and for the skills and talents shown and for bringing the barrio in a status to where it is now.

Tuesday, December 11, 2012

abundance, plenty and bounty

in a rural barrio where i grew up, iisa lang naman ang aking natunghayan na pamantayan sa isang payak na pamumuhay. ang isang payak na tahanan dapat ay may asin, patis, toyo at suka, asukal at kape, sibuyas at bawang sa kanyang kusina. hindi mo na kakailanganin pang umamot sa kapitbahay ng isang pirasong sibuyas upang iluto ang iyong tanghalian. but times are really changing and have changed. there are a lot of thing you need to have before you can say that you are having a bountiful life at naiiba na ang depinisyon ng isang "payak" ( simple and plain ) na pamumuhay.

ang kasaganaan ba ay makikita sa mga encylopedia, from letters a to z na nakahilera sa cabinet salas ng isang tahanan? ( hindi ginagalaw naka display lang )ang mayabong na pamumuhay ba ay mapupuna sa nausong "four seasons" display ( mga kabayong tumatakbo or japanese landscape design) ng isang tahanan o sa mga nakasabit na laminated diplomas sa dingding ng isang tahanan? ang kasaganaan ba ay makikita sa hawak mong mini ipad, sa samsung galaxy s3 na iyong gamit o sa lacoste shirt na iyong suot?


yes, bounty can be defined with materials things that you possess and bounty can be a state of mind. you have 3 units of television in your household, one in each room and one in the living area, you get hold of all the "in" latest gadgets in the market, a jetsetter.....Oo... ikaw ay masagana. and if you have a peace of mind, a happy heart and right thoughts and intellect all the days of your life, yes..it can be said that you are in a complete bounty.




a lot of times people tend to be ruined by too much material abundance, they think and act as if a well with freshwater will not be affected by drought and sometimes they do not realize,  kasaganaan din ang gagapi sa kanilang sariling buhay. dahil sa maling gamit nito it will be a sure way to eroding character and personality.

abundance cannot only be defined with material things available around that you wish to possess, its a state of mind and an abstract subject, di nahahawakan ngunit nararamdaman.


kung sa isang liblib na lugar ikaw ay may ilaw na hindi galing sa gasera o lampara ikaw ay masagana. kung sa isang lugar na ang gamit pa lang ay plantsang de uling at ikaw ay may GE flat iron ikaw ay masagana. kung sa isang malayong lugar na ikaw ay naghahanapbuhay at ikaw ay maraming kaibigan, ikaw may masagana. kung ikaw ay punong-puno ng problema, alalahanin at sakit sa ulo ngunit ikaw ay nagdarasal at nagpapasalamat, ikaw ay masagana. but if you are living beyond your means, you are not on your way to become bountiful and having plenty, you are on your way to unlimited wants but very little hardwork and industry.

as my social science teacher in primary schoolhave injected to us "mamuhay ka ng naaayon sa iyong kinikita" this is the only way to save yourself from this materialistic world.


abundance is a thing to achieve for and not to hope for. gone were the days of juan tamad na naghihintay na malaglag ang bayabas sa kanyang bibig. abundance is a result of hardwork, can be a synonym to industriousness.

saan nga ba tayo tunay na dapat maging masagana?