Translate

Tuesday, December 11, 2012

abundance, plenty and bounty

in a rural barrio where i grew up, iisa lang naman ang aking natunghayan na pamantayan sa isang payak na pamumuhay. ang isang payak na tahanan dapat ay may asin, patis, toyo at suka, asukal at kape, sibuyas at bawang sa kanyang kusina. hindi mo na kakailanganin pang umamot sa kapitbahay ng isang pirasong sibuyas upang iluto ang iyong tanghalian. but times are really changing and have changed. there are a lot of thing you need to have before you can say that you are having a bountiful life at naiiba na ang depinisyon ng isang "payak" ( simple and plain ) na pamumuhay.

ang kasaganaan ba ay makikita sa mga encylopedia, from letters a to z na nakahilera sa cabinet salas ng isang tahanan? ( hindi ginagalaw naka display lang )ang mayabong na pamumuhay ba ay mapupuna sa nausong "four seasons" display ( mga kabayong tumatakbo or japanese landscape design) ng isang tahanan o sa mga nakasabit na laminated diplomas sa dingding ng isang tahanan? ang kasaganaan ba ay makikita sa hawak mong mini ipad, sa samsung galaxy s3 na iyong gamit o sa lacoste shirt na iyong suot?


yes, bounty can be defined with materials things that you possess and bounty can be a state of mind. you have 3 units of television in your household, one in each room and one in the living area, you get hold of all the "in" latest gadgets in the market, a jetsetter.....Oo... ikaw ay masagana. and if you have a peace of mind, a happy heart and right thoughts and intellect all the days of your life, yes..it can be said that you are in a complete bounty.




a lot of times people tend to be ruined by too much material abundance, they think and act as if a well with freshwater will not be affected by drought and sometimes they do not realize,  kasaganaan din ang gagapi sa kanilang sariling buhay. dahil sa maling gamit nito it will be a sure way to eroding character and personality.

abundance cannot only be defined with material things available around that you wish to possess, its a state of mind and an abstract subject, di nahahawakan ngunit nararamdaman.


kung sa isang liblib na lugar ikaw ay may ilaw na hindi galing sa gasera o lampara ikaw ay masagana. kung sa isang lugar na ang gamit pa lang ay plantsang de uling at ikaw ay may GE flat iron ikaw ay masagana. kung sa isang malayong lugar na ikaw ay naghahanapbuhay at ikaw ay maraming kaibigan, ikaw may masagana. kung ikaw ay punong-puno ng problema, alalahanin at sakit sa ulo ngunit ikaw ay nagdarasal at nagpapasalamat, ikaw ay masagana. but if you are living beyond your means, you are not on your way to become bountiful and having plenty, you are on your way to unlimited wants but very little hardwork and industry.

as my social science teacher in primary schoolhave injected to us "mamuhay ka ng naaayon sa iyong kinikita" this is the only way to save yourself from this materialistic world.


abundance is a thing to achieve for and not to hope for. gone were the days of juan tamad na naghihintay na malaglag ang bayabas sa kanyang bibig. abundance is a result of hardwork, can be a synonym to industriousness.

saan nga ba tayo tunay na dapat maging masagana?

No comments:

Post a Comment