Translate

Tuesday, September 25, 2012

al-drin [ (n. pang. ja-jin) ]

let me recall the story...

nang isinilang si aldrin ay may kakabit na itong swerte, nang iluwal siya ng kanyang ina ay balot siya ng isang manipis na latag (layer ) ng supot na nababalot sa buo niyang katawan maliban pa sa kanyang inunan. ayon sa mga nakatatanda hindi pangkaraniwan ang ganitong pagkakataon at ito raw ay swerte (  good luck).

i still remember, this "supot" was dried and keep by her lola areng in her wallet, at madalas noong panahong iyon, hinihiram ito ng aking ama ( alfredo castro sln ) upang magsilbing pampaswerte sa kanyang " cockfighting" sessions. simula pa lamang ay parang magiging maganda na talaga ang guhit ng tadhana para ay jajin.

it is so much easy to write and tell a lot of things to a person whom you have witness from being a small child to young man, its a full circle experience as they say. ang mga susunod na talata na inyong mababasa ay mula sa isa pang tunay na nakasaksi sa pagiging bata pagiging binata ni aldrin, ang kanyang kuya boy ( wilson aboboto ).


Simula pagkabata ay nasaksihan ko na ang kanyang paglaki, kung paano siya hinubog ng kanyang mga magulang, Ate Neri at Kuya Ed, kasama na ang kayang Lola Areng na napaka "spoiled" sa kanila; na maging isang huwaran hindi lamang  sa kanyang mga kapatid na sina Aljon at Lenlen kundi na rin sa mga kabataan na nakakasalamuha niya. Sa aking pagkakakilala kay Jajin, isa siyang "tahimik" na tao, maamo ang dating, malapit at maaruga sa mga bata, "shy or timid" sa kanyong lengguwahe ika nga, mga traits ng mga anak ng kanyang Lolo Diego. Maikukumpara rin siya sa isang ilog na tahimik, ngunit malalim..  sa sobrang lalim, di mo makukuha ang tunay na saloobin, di mo alam ang kanyang mga plano sa buhay. Madalas  pagkagaling sa eskwela, bahay lang at tindahan ng kanyang lola ang tambayan, magpatugtog ng mga CDs at MP3,  malayo sa dalawa niyang kapatid na very outgoing.
...
Sa aspetong "musikal" impressed talaga ako, pati na rin ang tropa,.( lakas tama gang ) Hindi naman ako nagulat sa pagiging mahusay niyang pag gitara, it's in the blood kasabihan na nga, isa pa rin marahil ay ang impluwensiya ng lugar. Ang Calasag ay napakayaman pagdating sa usapang musika at banda ( Pagtalunan at de Ocampo Band at ang Alon Band nina Ito) , mga manganganta sa entablado tulad nina Ditse Nene at kanyang ina, kasama sina R-5, at ang mga gitarero, mula kina Tata Imo hang gang kina Boy, ang "infamous" na Calasag Choir na pinamumunuan ng kanyang ama na si Kuya Ed at Nanay na si Ate Neri, kasama pa ang kanyang mga tiyuhin na sina Kuyang Pitong at Mamang, pati na rin ang mga bagong sibol na hindi ko na mga kilala...sa kadahilanang matagal tagal na rin akong hindi naglalagi sa lugar. Sa paghawak  ni Jajin ng gitara, napaka "impressive" talaga, malayo sa mga nakasanayan namin na "uwido" lang ang nalalaman, iba ang kanyang hagod o kaskas. More on "lead" si Jajin, isa sa aspetong kulang sa panahon nang nag babanda kami noon.


Kung natatandaan nyo pa ang LT bands noong  late 90's (Eraserheads, Parokya ni Edgar ,Rivermaya, Siakol,True Faith, Yano, Grin Department at Introvoys influences) ito ang panahon nang lumabas si Jajin bilang "Guitarman" ay siya namang pag-umpisa ng aming pagtuon sa aming mga sari-sarili naming buhay, kanya-kanya muna sa madalit salita. Subalit nariyanyan pa rin, di man madalas nakakatugtog, tanging mga instrumento na lang namin ang magkakasama sa ngayon, c/o Kuya Ed's Garage. 

Isa sa pinaka memorable sa akin ay nang makasama namin siya ng tropa sa Music Warehouse sa Baliwag. Kung natatandan ko pa 2004 yon (with pics c/o Tito Lowie), na nalipat na sa basement ng Kristine Plaza mula sa ground floor ( ewan kung andun pa , wala na akong balita) It was uneasy at that time, dahil nga sa unang pagkakataon ay nakasama ko ang mag ama sa isang inuman, at iyon ang opisyal na kasama na namin si Aldrin di lang sa kantahan, pati na rin sa tagayan! 

Ang unang "gig" namin na nakasama siya officially ay noong ika-10 taong anibersaryo ng tropa back in December  2005 (YouTube  MTVoff ) He is on the lead, on progression pa siya noon pero plakado na., 
tatay & son
 and the last one is noong debut celebration ng kanyang kapatid na si Arlene back in November 2007 (with pics c/o  Aris). The following year nag work na ako sa ibayong dagat...I know may mga bago na siyang nakakasama sa mga "gigs" nila ngayon, patunay na malayo na ang kanyang nalalaman hindi lang sa pag hawak ng gitara, kundi na rin sa ibat ibang klase ng instrumento, pruweba na "talentado" / talented siya.

Kasama ang paggabay ng kanyang ama, at ngayon ay isa ka nang INHENYERO wala na akong masasabi sayo, the deepest of you coming out in the surface.. just in time na ikaw naman ang tutuon sa sarili mong buhay.. goodluck...so long.. magkakalayo man tayo, magkakasama pa rin as the Music Lives On...


the quest for victory does not end in just getting the title, the quest for victory has just begun.

ps: salamat kumpadreng wilson for the time and effort. lets join again in some other blog topics.

No comments:

Post a Comment